Categories
End Street Trish Reyes

Paumanhin

Paumanhin lyrics by End Street, Trish Reyes

(Babae)
Sino ito? Sorry po. Hindi ko kilala ang numero.
(Lalake)
Ako to si ano… ilang taon na rin tayong…

Pre Chorus 1
(Babae)
Bakit ka biglang npatawag?
(Lalake)
Teka lang naman gusto kong magpaliwanag
(Babae)
Matagal na kitang pinatawad…

Chorus
(Lalake)
Kumusta ka na? Okay ka ba? Hindi ko kasi namalayang tumatanda na pala tayo, sabay sa pag-ikot ng mundo.
(Lalake)
Kaya ipagpaumanhin mo ang mga pagkukulang ko sa iyo.

Verse 2
(Lalake)
Nakamit mo ba lahat ng pangarap nating naiwan na sa hangin?
(Babae)
Pinilit kong lumaban mag-isa nung nawala ka.

Pre Chorus 2
(Lalake)
Kumusta na si nanay?
(Babae)
Namahinga na siya kasama si tatay, pero huwag mo akong kaawaan walang magagawa ang iyong kalungkutan.
Masaya naman ako na mag isa…
Masaya naman ako na wala ka.

Chorus
(Lalake)
Kumusta ka na? Okay ka ba? Hindi ko kasi namalayang tumatanda na pala tayo, sabay sa pag-ikot ng mundo.
(Babae)
Ipagpapaumanhin ko ba ang mga pagkukulang mo sa atin?
Sa atin…

Bridge
(Lalake)
Hindi naman sa ako ay nagdadahilan, may mga bagay lang na sadyang ‘di napag bigyan. Hindi ko nais manggulo dahil alam kong masaya na kayo. Marinig ka lang muli kahit isang sandali…

Outro
(Babae)
Kumusta ka na? Okay ka ba? Hindi ko kase namalayan na mahal pa rin pala kita.

Leave a Reply

Your email address will not be published.