Categories
End Street

Dosis

Dosis lyrics by End Street

Bakit ba ganon? Kahit anong gawin ay tila kulang na kulang pa rin. May mali ba sa akin? Ang tagal tagal ko nang nawawala, matutulungan mo ba ako sa paghahanap? Ano na naman ang inyong ipalalaklak sa akin? Manhid na manhid na ako sa lahat ng ito, pati na rin sa dampi ng yakap ng araw at hangin.

Akala mo ba talaga hindi ko pa naririnig ang “Okay lang yan” “Eh yung iba pa nga” “Maswerte ka pa”? Eh tang ina… Ang tagal tagal ko nang nawawala, matutulungan mo ba ako? Ano na naman ang inyong ipalalaklak sa akin? Manhid na manhid na ako sa lahat ng ito, pati na rin sa dampi ng yakap ng araw at hangin.
Imbis na ipagpaubaya mo ako sa panalangin, bakit di mo na lang ako yakapin? Pahawak sana ng iyong kamay, kailangan ko lang ng kaunting alalay. Maunawaan sanang pinipilit ko… Pipilitin ko ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.