Categories
End Street

Tila Tala

Tila Tala lyrics by End Street

O’ bakit ba nakikinig ka pa rin sa kanila?
Hindi ba dapat ikaw, ako, ‘yung tayo ang nauuna?
Sa pagsulat mo ng istoryang ‘to, isasama mo pa ba ako?

Kung hindi sang-ayon ang bulong ng bituin, meron bang pipigil sa atin?
‘Pag ang tadhana nati’y babaguhin, huwag na sanang ipadala sa hangin.

Kung mundo mo ang nagsabi na tayong dalawa’y ‘di maaari,
Hindi na bago sa akin, ang mahalaga tayo’y piliin.
Sa pagsulat mo ng istoryang ‘to, isasama mo pa ba ako?

Kung hindi sang-ayon ang bulong ng bituin, meron bang pipigil sa atin?
‘Pag ang tadhana nati’y babaguhin, huwag na sanang ipadala sa hangin.

Sumama ka sa ‘kin at damhin ang lambing,
Sa lilom ng buwan tayo’y mahihimbing.

Sumama ka sa ‘kin at damhin ang lambing,
Sa lilom ng buwan tayo’y mahihimbing.
Kung hindi sang-ayon ang bulong ng bituin,
Huwag na sanang ipadala sa hangin.

Leave a Reply

Your email address will not be published.