Categories
Soulstice

Tunay

Tunay lyrics by Soulstice

‘Di mo ba napapansin na tayo talaga ang tinadhana
Kasi ‘di natin hinahayaan na masira ang tiwala
Kasi tayo ay tunay, pangako na ikaw lang at ako sa huli
Kasi tayo ay tunay, malabo na ako ay mawala sa iyong tabi (yeah yeah)

Malamang wala nang hahanapin
Biglaan na lang naalis yung buhay ko sa alanganin
Simula nung napasa’kin hindi na takot tahakin
Ano mang daan ay walang imposible kahit pa hamakin
Ng kahit sino diyan ako ay laging nasa harapan
Sasamahan kahit sa’n ano man ating mapagtripan
Lagi kong sisimulan na ligawan ka araw-araw
Isang pananaw lang ang meron yun ay kahit kailan
‘Di ka pwede na maagaw
Sapagkat matik lagi lang ‘tong nakakapit
Nang mahigpit higit sa lahat ‘di gagawa ng pangit
Malayo man o malapit talagang nakakaakit
Lalo ‘pag nalasap ‘yung yakap mo para ba ‘kong nasa langit
Dahil sa ‘yo nawala yung galit sa mga nakaraan
Ikaw din ang nagturo maging mabait magpakailanman
Walang problema na hindi gumagaan ‘pag kasama ka
Kaya para sa ‘kin ay ‘di ko na kailangan maghanap pa ng iba (yeah)

‘Di mo ba napapansin na tayo talaga ang tinadhana
Kasi ‘di natin hinahayaan na masira ang tiwala
Kasi tayo ay tunay, pangako na ikaw lang at ako sa huli
Kasi tayo ay tunay, malabo na ako ay mawala sa iyong tabi (yeah yeah)

That’s right dito ka lang sa ‘kin babe
‘Di ko papalungkutin mga ngiti mo
Sa ‘yo ko lang ‘to naranasan kaya ‘la ‘kong balak na tigilan
Na ika’y mahalin at alam ko din na ganun ka din sa ‘kin yeah
Kung ano ‘ko dati lalong iigihan
Nang walang masayang sa ‘ting pag-iibigan

Handa ‘kong ibigay sa ‘yo lahat-lahat
Handa ‘kong magtiyaga at papakita ko sa ‘yo na ikaw lang
Ang gustong makasama hanggang dulo
Lahat na yata ng nasa ‘kin ay ‘yong kabisado
Napatunayan ko nung nahuli mo kiliti ko
At dahil sa ‘yo nagbago ang ngiti ko

‘Di mo ba napapansin na tayo talaga ang tinadhana
Kasi ‘di natin hinahayaan na masira ang tiwala
Kasi tayo ay tunay, pangako na ikaw lang at ako sa huli
Kasi tayo ay tunay, malabo na ako ay mawala sa iyong tabi (yeah yeah)

I don’t even know about love
But when you came into my life
Oh I understand everything how to be in love
You’re my wish from above
Kasi ikaw lang naman ang nakakaintindi sa ‘kin
At ‘di lang ‘yun at lagi ring may baon na halik at yakap mo
Sa tuwing sasalubungin mo
Girl you mah happy happy pill that’s just what I feel
At ‘yung pinakagusto ko sa ‘yo ay chill
Kasi ‘pag ganun less drama and no stress
And ang sarap sa feeling I’m so blessed
Tingnan mo kung pa’no natin iningatan ang isa’t-isa
Noon pa man walang nagbago ni isa sa ‘ting dalawa
Kasi natuto tayo sa nakaraan at ngayon natin ginagawa at kung

‘Di mo ba napapansin na tayo talaga ang tinadhana
Kasi ‘di natin hinahayaan na masira ang tiwala
Kasi tayo ay tunay, pangako na ikaw lang at ako sa huli
Kasi tayo ay tunay, malabo na ako ay mawala sa iyong tabi (yeah yeah)

Leave a Reply

Your email address will not be published.