Categories
Soulstice

Busted

Busted lyrics by Soulstice

Sana ‘di mo na lang pala ako pinahintulutan
Na gawing inspirasyon ang katulad mo sa kasalukuyan
‘Di naman sa mali ka diyan, ang mali ako’y umasa
Kaso lang ang masakit do’n ay hinayaan mo pa ‘kong mamihasa
Sa pagmamahal na inaasam galing sa ‘yo
Masyado naman atang hindi naging patas ang binungad mo
Kala ko kasi may tiyansa at malaki ang aking pag-asa
Na ang naging sanhi sa huli ay bigla ko na lang natamasa
‘Yung gan’tong pakiramdam kung kailan ‘di na maalis
Sa ‘king isipan lalo ‘yung mga araw na sobrang tamis
Na nating dalawa sa daan napakasaya na kung tignan
‘Di mo lang pala agad sadyang masabi ang salitang ‘yan
Sana nung panahon na hindi pa ganu’n kalalim aking pagtingin
Ay mas maiintindihan ko pa at tatanggapin
Sa ‘king sarili na hindi ako ‘yung gusto mong makasama
Du’n pa lang sa simula’y sana’y nagsabi ka na ng maaga

Sino nga ba naman ako sa ‘yo
Para sagutin ang tulad ko
Ang mahalaga’y nalaman ko sa ‘yo
Na ‘di ako ang gusto mo
Ba’t ngayon ko pa nalaman
Kung kailan handang-handa na kitang ipaglaban
Para ‘kong magigiba
Sobra ka lang palang nahihiya
Na sabihin sa ‘kin

Madali lang naman sabihin ang ayoko bakit pa kasi pinatagal mo
Umabot pa talaga sa puntong nahulog na ‘ko sa ‘yo
Pa’no naman yung nakaraan
Nung bigla mong hawakan ang kamay ko’t hinalikan
Dun pa lang alam ko na meron akong pag-asa
Ngunit wala pala
‘Di ko na alam ang kasunod na nito kasi tayo ay masaya na
‘Tas bigla mo na lang sasabihin sa ‘kin na ayaw mo
Dapat una pa lang ay sinabi mo
‘Di na sana umabot pa sa ganito
Minsan nakakainis lang isipin na parang ‘di mo’ ko kayang tanggapin

Sino nga ba naman ako sa ‘yo
Para sagutin ang tulad ko
Ang mahalaga’y nalaman ko sa ‘yo
Na ‘di ako ang gusto mo
Ba’t ngayon ko pa nalaman
Kung kailan handang-handa na kitang ipaglaban
Para ‘kong magigiba
Sobra ka lang palang nahihiya
Na sabihin sa ‘kin

Na ‘di pala ako ‘yung tipo mong lalaki
Tagal mong ‘di sinabi
Hinayaan mo na maaksaya
‘Yung mga bagay na tinuon ko
Para sa katulad mo na hiniling kong mapasa’kin
Hahamakin ang lahat malagyan ko lang ang ngiti mo
Ngunit hindi pa pala ako
Ang gusto mo na magtatanong
Kung “oo” ka ba sa ‘kin
Bakit ngayon mo lang inamin
Kung kailan napapamahal na ako sa iyo
Ng totoo hindi naman kasi dapat nagkakaganito
Sana man lang inisip mo ang pakiramdam ko

Sino nga ba naman ako sa ‘yo
Para sagutin ang tulad ko
Ang mahalaga’y nalaman ko sa ‘yo
Na ‘di ako ang gusto mo
Ba’t ngayon ko pa nalaman
Kung kailan handang-handa na kitang ipaglaban
Para ‘kong magigiba
Sobra ka lang palang nahihiya
Na sabihin sa ‘kin

Sino nga ba naman ako sa ‘yo
Para sagutin ang tulad ko
Ang mahalaga’y nalaman ko sa ‘yo
Na ‘di ako ang gusto mo
Ba’t ngayon ko pa nalaman
Kung kailan handang-handa na kitang ipaglaban
Para ‘kong magigiba
Sobra ka lang palang nahihiya
Na sabihin sa ‘kin

Leave a Reply

Your email address will not be published.