Categories
Smugglaz

Who You?

Who You? lyrics by Smugglaz

You are viewing these lyrics

Isang araw ika’y aking nakilala
Mapaglaro nga ang mundo
Parang Eba at Adan sa mansanasan
Ang kaibahan ay sa’yo ako natukso

Natutunan ang ibigin ka sa ayaw mo man o sa gusto
Di man pansinin, tumatagos lang ang tingin
Sa mga paramdam ko na parang multo

Araw-araw na nga kong dumadalaw
Daig pa kaluluwa na walang hustisya
Kasi patay na patay pa din ako sa iyo
Kahit di mo napupuna

Di ko man ka-tipo ang lalake mong dasal
May itsura’t katawan o pitaka’y makapal
O kahit na mukha akong skwater, holdaper na rapper
Mayaman naman sa pagmamahal

Sabi mo man ay di tayo nababagay
Langit lupa kahit na pagkaila man
Di mo kailangan ng tulad kong pag nakikita’y
Parang tinatawag ka ng kalikasan

Tinatawanan lang ng pamilya’t kaibigan
Panay kapintasan
Baka nalipasan lamang daw ng gutom
Kaya’t ang pag-iilusyon ay hindi ko maiwasan

Sabi ko na lang magmula ngayon
Saksi mga makinang ng bituin
Pangako na sa langit pag kayo ay tumingin
Ngalan at mukha ko ay makikita nyo rin

Balang-araw makikita nila
Ang lahat sa akin ay magiiba na
Kapag natupad ang aking panaginip
Na ako’y yumaman, sumikat, at maging kilala… tandaan mo ‘yan!

Naaalala mo ba yung dating nilait-lait mo
Pagitan natin ay langit at lupa at ang panget-panget ko
Pero ngayon diba?
Naghahabol ka na… kay bilis ngang magbago ng panahon

Kasi ngayon diba? Aydul-aydul mo na…
Pero sorry na lang
“Who You ?” ka sakin ngayon
“Who you ?” ka sakin ngayon
“Who you ?” ka sakin ngayon…

Isang araw ay muli kitang nakita
Sadyang maliit nga ang mundo
Sa dami ba naman ng mga tao sa daan
Eh ba’t kasi ikaw pa yung nakasalubong ko

Ayoko sanang talikuran ka tulad ng kahapong nalimutan
Na lalapit ka na sana sa’kin, magpapakilala
Nung ako’y biglang napalibutan na

Ng fans at mga chiks
May parating pa, nagpapa-pic, nagpapa-pirma
Akbay, halik na may apir pa
Oo parang magic lang yung karir nya

Kalat na ang pangalan, boses, at mukha nya
May presyo na kung magkano, easy!
Sa mga PC, sa radyo’t TV, naka-iPhone o China phone na CP…
Aydul pa-silfieee!

At ng lumapit ka, “Musta na?”
Yan ang sabi mo sa akin
Naalala mo pa ba yung minsan mong minahal
Ngunit panahon ‘nun satin alanganin

Sana’y patawarin, sana pwede pa rin namang ibalik
Promise di na sasayangin
Lodi ka ng tropa, hanap ka ni Mama
Pengeng number mo, dalaw ka sa amin

Kaso lang paalis na nung ikaw ay aking biglang lingunin
Binaba ang salamin at sayo’y tumingin
Sorry kung minsan ako’y makakalimutin

Teka lang ha napipinta ko na
Kaso ang lahat ay tila nag-iba na
Ah ikaw ba ‘yan?
‘Alam mo pamilyar ka sakin
Pero sorry kasi parang di kita kilala… makikiraan.

Naaalala mo ba yung dating nilait-lait mo
Pagitan natin ay langit at lupa at ang panget-panget ko
Pero ngayon diba?
Naghahabol ka na… kay bilis ngang magbago ng panahon

Kasi ngayon diba? Aydul-aydul mo na…
Pero sorry na lang
“Who You ?” ka sakin ngayon
“Who you ?” ka sakin ngayon
“Who you ?” ka sakin ngayon…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *