Categories
Flow G Gloc-9

Bahay Yugyugan

Bahay Yugyugan lyrics by Flow G, Gloc-9

[Intro: Gloc-9]
‘Wag kang matakot sumayaw
Katawan ay igalaw, sige, sumayaw ka
Lapit, lapit, lapit
Lakasan ang hawak
Higpitan ang kapit
Nandito ulit kaming dalawa
Sabihin mo sa’kin, handa ka na ba?

[Refrain: Gloc-9]
Halika, tuloy ka dito sa
Pinakamasayang lugar na
Bawal ang problema
Dito sa bahay yugyugan

[Chorus: Gloc-9]
Igalaw, igalaw, igalaw mo lang
Mula ulo hanggang paa balik sa balakang
Igalaw, igalaw, igalaw, igalaw mo lang
Igalaw, igalaw, igalaw mo lang
Mula ulo hanggang paa balik sa balakang

[Verse 1: Gloc-9]
Ako nga pala si Gloc-9
Kung malamig ang panahon ay mag-init ka ng tubig
Maligo nang mabuti kahit laging may palugit
Suklayin mo nang maayos dapat diretso ang guhit
Parang dinilaan ng bakang naka-suga sa bukid
Ilabas ang bagong biling maong at sumbrero
At kamiseta na pinag-ipunan mo sa suweldo
Sabit sa jeep kahit marunong akong magmaneho
Magkakaroon din ako ng aking sarili kong auto
Bente-bente ang laman ng aking pitaka
Pangarap palaging hawak hindi maling akala
Dadamputin lahat ng pagkakataon sa gala
‘Di baling kawawa ako ang bahala sa tiwala
Kahit pa hiniram lamang ang sapatos ko sa tropa
Minsan lang kasi maging malupit ang porma
Pero sa tugmaan ako ay palaging kota
Kumpletos ricados parang bagong luto na tinola
Kaya sige samahan niyo kami dito sa lugar
Tugtugan walang hangganan, pagmamahalan at tipar
Kalimutan ang problema malungkot ay illegal
Tabunan parang lahar sabay tayong umandar

[Refrain: Gloc-9]
Halika (Dito sa’min ay palagi mong madidinig)
Tuloy ka (Mga tugtugan sa kalsada nakakabilib)
Dito sa (Mata sa itaas mga paa sa sahig)
Pinaka (Kahit na walang kutson ay sanay sa banig)
Masayang (Ang nasa baba kayang tumaas)
Lugar na (Ang naka sara pwedeng bumukas)
Bawal ang (Bagong tugtugin na maangas ng konti)
Problema (Kasi heto na naman si Gloc-9 at Flow G)
Dito sa bahay yugyugan

[Chorus: Gloc-9]
Igalaw, igalaw, igalaw mo lang
Mula ulo hanggang paa balik sa balakang
Igalaw, igalaw, igalaw, igalaw mo lang
Dito sa bahay yugyugan
Igalaw, igalaw, igalaw mo lang
Mula ulo hanggang paa balik sa balakang
Igalaw, igalaw, igalaw, igalaw mo lang

[Verse 2: Flow G]
Dumating na si Flow G, ‘di maarte kahit dati pa
Kumbaga sa makina, krudo lang ang ikarga, babyahe na
Minsan ‘yung dala-dala ko saktong pamasahe lang
Kulang-kulang pero nagagawa ko pang diskartehan
‘Di bale nang magutom basta maka-party lang
Kahit ‘yung ibang suot ko galing sa hiram, swabe lang
Kasi lagi-laging happy-happy lang
Dito ‘di ka para mailang, pwede makisama, tara makisali
‘Di ka mananawa kahit gan’to lagi
Sa bahay yugyugan masaya kang uuwi
Iba-ibang tugtugan do’n palang alam mong ‘di ka lugi
Tenga mo bubusugin sa music
Tapos ‘pag gusto mo pang masulit
Gumalaw, gumalaw, gumalaw ka lang
Wala ka ring mapapala kung tutunganga ka ngayon
Ano pa ba’ng inaantay mo, ‘lika na
Pwede kahit mag-imbita ka nang iba pa
Sumama kung sasama sigurado na mapapaindak
Sa bagong awit na kasama si Gloc

[Refrain: Gloc-9]
Halika (Dito sa’min ay palagi mong madidinig)
Tuloy ka (Mga tugtugan sa kalsada nakakabilib)
Dito sa (Mata sa itaas mga paa sa sahig)
Pinaka (Kahit na walang kutson ay sanay sa banig)
Masayang (Ang nasa baba kayang tumaas)
Lugar na (Ang naka sara pwedeng bumukas)
Bawal ang (Bagong tugtugin na maangas ng konti)
Problema (Kasi heto na naman si Gloc-9 at Flow G)
Dito sa bahay yugyugan

[Chorus: Gloc-9]
Igalaw, igalaw, igalaw mo lang
Mula ulo hanggang paa balik sa balakang
Igalaw, igalaw, igalaw, igalaw mo lang
Dito sa bahay yugyugan
Igalaw, igalaw, igalaw mo lang
Mula ulo hanggang paa balik sa balakang
Igalaw, igalaw, igalaw, igalaw mo lang

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *