Caleruega lyrics by Acapellago, Joshua Feliciano
Naaalala mo pa ba
Ang pagtakas sa mundo
‘Pag ‘di ka na makahinga
Kapag namumugto na ang iyong mata
Sa bawat bigat ng hinga
kabisado na kita
At ‘di mo na kailangan pa’ng magsalita
Ipikit mo na lang ang ‘yong mga mata
Itatakas kita ah ha ha ha
Sa mundong alangan panganib lang ang dala
Caleruega, Caleruega
Kung sa’n puso’y naiwan
Salamat sa minsang
Natutunang buo magmahal
Sa bawat paglalakbay
Ikaw lang ang pinangarap kong makasabay
Pikit matang, ngitian na gumugunita
Simbahang nagmistulang alaala
Caleruega, Caleruega
Kung sa’n puso’y naiwan
Salamat sa minsang
Natutunang buo magmahal
Oh mahal, hindi maniniwala sa iyong pagkawala
‘Pagkat hawak ko ang puso mo at ating alaala
Caleruega, Caleruega
Kung sa’n puso’y naiwan
Salamat sa minsang
Natutunang (buong magmahal)
Natutunang (lahat isusugal)
Natutunang (ikaw ang pinipili ko mahal)
Natutunang (natutunang, natutunang)
Muling magmahal