Categories
Joshua Feliciano

Panaginip

Patuloy lang ang ikot ng mundo
Kahit walang tayo hindi magbabago
Ang nadarama ko at nang puso
Kahit tumatakbo ka lang sa isipan ko

Ngayong hawak kita
‘Di man nadarama
Ngayong hawak kita
Kahit sa panaginip lamang nakikita
Ayoko nang magising
Ayoko nang magising
Kung dito ika’y akin

Palabo ng palabo ang paningin
Mukhang malapit na akong magising
Pigilan ang ingay sa paligid
Ayokong may sumingit
Kung pwede lang saglit na lang
Baka naman

Ngayong hawak kita
‘Di man nadarama
Ngayong hawak kita
Kahit sa panaginip lamang nakikita
Ayoko nang magising
Ayoko nang magising
Kung dito ika’y akin, oh

Ooh…
At nagmulat na ang aking mga mata
Napagtanto’ng nananatili lang sa aking ala-ala
Ayokong mang isipin, kailangang tanggapin
Pagbigyan ang aking munting hiling

Ngayong hawak kita
‘Di man nadarama
Ngayong hawak kita
Kahit sa panaginip lamang nakikita
Ayoko nang magising
Ayoko nang magising
Ayoko nang magising
Ayoko na, ayoko na
Ayoko nang magising
(magkahawak ang kamay tayo ay maglalakbay sa isang lugar na kung saan ika’y nasisilayan)
Ayoko nang magising
(kahit panaginip lang ayoko nang mawakasan kung pwede lang habang buhay nananaginip nalang)
Ayoko nang magising
(palabo ng palabo ang paningin mukhang malapit na akong magising)
(magkahawak ang kamay tayo ay maglalakbay sa isang lugar na kung saan ika’y nasisilayan)
Ayoko nang magising
(kahit panaginip lang ayoko nang mawakasan kung pwede lang habang buhay nananaginip nalang)
Ayoko nang magising
(palabo ng palabo ang paningin mukhang malapit na akong magising)
Ayoko nang magising
Ayoko nang magising

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *