Categories
Joshua Feliciano

Handa Na Akong Kalimutan Ka

Lumayag ka na papalayo
Patungo sa ibang mundo
Baka do’n mo na mahanap ang
Ngiti na hinahanap ko sa’yo

Bitawan ang mga naipong alaala
Sa bawat araw na hindi ka na kasama
Ang oras ay tumatakbo
Minu-minutong kinukulong ang mga puso

Kung di mo rin naman kayang panindigan
Mga pangako mong sa akin binitawan
Maaari ka nang lumisan
Kahit hindi ka na magpaalam

Handa na kong kalimutan ka
Wala na rin naman akong magagawa
Lumayag ka na papalayo
Patungo sa ibang mundo
Baka do’n mo na mahanap ang
Ngiti na hinahanap ko sa’yo

Lahat ng ‘yong halik
At mga yakap na mahihigpit
Dala-dala na lang hanggang sa aking panaginip
Hindi na tayo itinadhana
At ngayon wala ka na

Handa na kong kalimutan ka
Wala na rin naman akong magagawa

Lumayag ka na papalayo
Patungo sa ibang mundo
Baka do’n mo na mahanap ang
Ngiti na hinahanap ko sa’yo

Ang ‘yong mga ngiti
Galing sa iyong labi
Di na mananatili kahit pa
Sa huli nating sandali
At pagsapit ng umaga,
Ang tanging alaala ko na lang

Handa na kong kalimutan ka
Wala na rin naman akong magagawa
Lumayag ka na papalayo
Patungo sa ibang mundo
Baka do’n mo na mahanap ang
Ngiti na hinahanap ko sa’yo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *