Categories
Zild

Hele

Hele lyrics by Zild

Tulog na aking mahal
Hayaan mong tumulo ang luha mo
Walang makakaalam
Unan lang ang pipintas sa’yo

Pakawalan mo na
Ang naiipong
Galit at poot
Hindi makakahinga
Kapag nilihim ang nadarama

At kukumutan
Ang kalungkutan
Dito sa duyan

Langit ang kaibigan mo
‘Di kailangang magtago

Kasama mong mga bituin
Sa bawat luhang inilalabas
Hindi ka nag-iisa
Langit ang hehele sa iyo
Mahal, o tandaan
Kahit ‘di malaman ang dahilan
Hawakan aking kamay
Kahit na wala ako riyan

Makakatulog
Ka nang payapa
Dito sa duyan

Tulog na nang mahimbing
Bukas mo na harapin

Leave a Reply

Your email address will not be published.