Categories
Zild

Bungantulog

Bungantulog lyrics by Zild

May sarili na namang mundo
Nabubuo sa isip ko
Walang nakakaalam nito
Mga pangarap gustong mabuo

‘Di man maintindihan ang takbo
At ang pusong ‘di kumikibo
Siguradong ‘di mapapahinto
Ang isipan

Sa ‘king paglingon, may bumabaon
Alaalang ‘di na makalimutan
‘Di mawawala, bigla kang tulala
Sarili lang nakakaalam nito

Bungantulog
Mag-ingat, baka ika’y mahulog
Hayaan lang ang bungantulog
Mag-ingat, baka ika’y mahulog

Sa kabila ng mga naganap
Mawawala nang isang iglap
Hindi makita ang reyalidad
At ang pangarap ko ay matupad

Sino ba’ng makakapagpaalam
Sa lahat ng mga nanonood?
Na ang buhay, ‘di lang nandirito
Pag-isipan

At sa panahong may bumubulong
Alaalang ‘di mo maiiwasan
‘Di mawawala, bigla kang tulala
Sarili lang nakakaalam nito

Bungantulog
Naghihintay ng bagong turo
Yakapin mo ang bungantulog
Nagbibigay ng bagong turo

Palaging naiiwang tulala
Dugo ang tumutulo sa mata

Bungantulog
Sumusulyap sa ating ulo
Kumapit ka sa bungantulog
Sinusundan ang ating ulo

Bungantulog
Kumakatok sa ating ulo
Hanapin mo ang bungantulog
Ikaw lang ang makakatulong

Leave a Reply

Your email address will not be published.