Categories
Zild

Ibang Planeta

Ibang Planeta lyrics by Zild

Iba ang ‘yong ngiti
‘Di matatagpuan kahit saan
Wala rito sa mundo
At wala rin sa buwan

Ako ay tao lang at ikaw ay diyosa
Ika’y nagbibigay sa ‘kin ng ginhawa
Lahat ibibigay para magsama
Kahit manilbihan pa kay Bathala

Oh-ooh-ooh-ooh, ooh, hindi ako makahinga kapag nandito ka
Oh-ooh-ooh-ooh, ooh, para akong nasa ibang planeta

Iba ang ‘yong timpla
‘Di malalasahan sa iba
Napapalipad mo ako
Hanggang sa mga tala

Sumakay sa sasakyang pang-alangaang
Upang matuklasan ang iyong kagandahan
Wala nang salitang kayang ilarawan
Kailangang hanapin pa sa kalawakan

Oh-ooh-ooh-ooh, ooh, hindi ako makahinga kapag nandito ka
Oh-ooh-ooh-ooh, ooh, para akong nasa ibang planeta

Oh-ooh-ooh-ooh, ooh, hindi ako makahinga kapag nandito ka
Oh-ooh-ooh-ooh, ooh, para akong nasa ibang planeta

Leave a Reply

Your email address will not be published.