Categories
Zild

Huminga

Huminga lyrics by Zild

Sa mundong walang katahimikan
Nagtatanong kung bakit nawala ang paghinto
Palaging bukas ang mata

Ang tao raw, lahat ay may hangganan
Madalang na tumingin sa kawalan at magtanong
Kung bakit ginagawa

Magpahinga ka na, sinta
Huwag matakot
Maramdaman mo ang sariling lungkot
Huminga (ka)
Huminga (ka)

Bakit ba kailangang mahirapan?
Walang alam, ‘di maintindihan ang kwento ng
Tadhana sa buhay na ‘to

Sino ba’ng may kayang manindigan?
Kailan ba mapapansin lahat at matanto
Ang mahalaga ay ang ngayon?

Magpahinga ka na, sinta
Huwag matakot
Maramdaman mo ang sariling lungkot
Huminga (ka)
Huminga (ka)

Laman at buto, naramdaman ko
Ngayo’y tatakbo pabalik sa ‘yo
Laman at buto, naramdaman ko
Ngayo’y tatakbo pabalik sa ‘yo

Magpahinga ka na, sinta
Huwag matakot
Maramdaman mo ang sariling lungkot
Huminga (ka)
Huminga (ka)
Huminga (ka)
Huminga ka

Leave a Reply

Your email address will not be published.