Categories
December Avenue

Isang Himala

Isang Himala lyrics by December Avenue

‘Di ko maintindihan Kung ano ang dahilan
Kung mawawala ka man Ay paano nalang?
‘Di mo ba maramdaman Na ako’y nandito lang
Ano ba ang dahilan Nagpaalam naman

Itong salamin, nakatitig parin
Ano nga ba ang aking hiling?
Aninag ng aking mata sa dilim
Sa’yo lamang nakatingin

Isang himala
Ang kailangan ko ngayon ay himala
Araw araw bang maghihintay
Kung magbabalik
Lalong nananabik sa’yo

Bakit di mapagbigyan
Kahit ‘sang minuto lang
Oras nating kay bilis Naubos na lang
Bitin na bitin, nakatitig parin
Sa liwanag mong parang bituin
Init ng yakap mo sa’king dibdib
Ay tuluyan nang nanlamig

Isang himala
Ang kailangan ko ngayon ay himala
Araw araw bang maghihintay
Kung magbabalik
Lalong nananabik sa’yo

Kung ang paraan ay masaktan
Wala na akong pakiramdam
Habang ang langit ay umiiyak
Ako’y makikiusap na naman
Ng isang himala

Isang himala
Ang kailangan ko ngayon ay himala
Araw araw bang maghihintay
Kung magbabalik
Lalong nananabik sa’yo

Leave a Reply

Your email address will not be published.