Kwentuhan lyrics by Guddhist Gunatita, Nateman
Bitbit ko parin yung gigil, ka na ngayon nandito na
Sipag tiyaga na tila parang nagsisimula
Di na pwedeng umayaw, buhay na ang itinaya
Kahit daming suliranin, di parin ako nagpabaya
Salamat sa mga taong sakin ay tumaya
Nung mga panahon na ako pa ay walang wala
Di ko akalaing magkakaganto takbo ng isipan at ng buhay ko
Parang dati lang ay nasa hukay na, pero buti tinuloy ko parin hilig ko
Ngayon dama na nila yung himig ko, kilala na tinig ko
Lagi sumasagi sa isipan ko: nasan kaya ako kung diko ipinilit ‘to?
Malamang nandun parin, kalsadang malagim
Di parin alam kung anong gagawin
Gagawin lahat para di masaid
Galaw ilegal kahit na masakote
Paboritong usok ay yung nasa bote
Di na mahalaga kung nakakabuti
Kailangan ko lang nang makakapitan
Sa tuwing naliligaw aking isipan
Yeah, di nila alam itinaya ko buhay ko para ulit makapag simula
Patunay to na pwede paring merong mapala
Isip na paikot-ikot, dati’t napariwara
Kala ko noon ay mawawala ko ng maaga sa mundo, dalas mag-alala
Buti nalang ay malupet parin na magdala
Kahit na bigat palagi ang aking dinadala
Bitbit ko parin yung gigil, ka na ngayon nandito na
Sipag tiyaga na tila parang nagsisimula
Di na pwedeng umayaw, buhay na ang itinaya
Kahit daming suliranin, di parin ako nagpabaya
Salamat sa mga taong sakin ay tumaya
Nung mga panahon na ako pa ay walang wala
Bago ako makilala
Bago ako makilala pagkatao ko, ano ba dati?
Sino-sino mga kakilala, ano paborito kong gawain?
Sino ba ang naging kadikit, nakasama sa hirap man o sakit?
Ang lahat di ko pa nakalimutan
Makinig saglit sa kwentuhan
Mga batang palaboy lang nung una, pero naging milyonaryo
Yung lugar ko, dyinadyaryo
Sa kanto nakikipag-rayot kami madalas sa mga hayop
Paikot-ikot sa kalsada, sa labas loob
At habang napapasarap lahat, hindi namamalayan
Yung kasalanan ay dumadagdag
Bigat na parang sobra na kayo, kailangan nyo nang pagbayaran, yeah
Magkasunod na taon, magkasunod na kaibigan
Di ko alam bakit ganon
Simula non ay pinag-isipan ang hakbang palayo pati ang plano
Sakay na ng eroplano