Categories
Adie

Luha

Luha lyrics by Adie

Dahan-dahang pumapatak
Sa aking mga mata
Ang dulot ng kalungkutan
Nanginginig sa lamig
Unti-unting winawalis
Ng tadhana ang ngiti sa ‘yong labi
Naliligaw, nauuhaw
Kailangan ko ikaw
Tanging ikaw

‘Di inaasahang hahantong sa ganto
Umalis ka man bukas lang ang pinto
Maghihintay sa ‘yong pagbabalik
Dampi ng iyong yakap at mga halik
Umaasa na muling makakamit
Lahat-lahat ng atin ay ibabalik
Nakatulala
Habang pumapatak ang luha

Pinapanalangin ko na sana (sana)
Muli kang mahagkan
At akin nang mahawakan
Ang iyong mga pangakong para sa ‘kin lang
Mga sandaling kay sarap naman balik-balikan

‘Di inaasahang hahantong sa ganto
Umalis ka man bukas lang ang pinto
Maghihintay sa ‘yong pagbabalik
Dampi ng iyong yakap at mga halik
Umaasa na muling makakamit
Lahat-lahat ng atin ay ibabalik
Nakatulala
Habang pumapatak ang luha
Luha

‘Di ko kayang kalimutan
Ang ating bawat sandali
Kailan kaya kita muling makakapiling
‘Di ko kayang kalimutan
Ang ating bawat sandali
Kailan kaya kita muling makakapiling
Sabi ko sa ‘yo
Hinding
Hinding
Hinding
Hindi kita malilimutan

‘Di inaasahang hahantong sa ganto
Umalis ka man bukas lang ang pinto
Maghihintay sa ‘yong pagbabalik
Dampi ng iyong yakap at mga halik
Umaasa na muling makakamit
Lahat-lahat ng atin ay ibabalik
Nakatulala
Nakatulala
Nakatulala
Habang pumpatak ang luha

Naliligaw, nauuhaw
Kailangan ko’y ikaw
Naliligaw, nauuhaw
Kailangan ko’y ikaw
Naliligaw, nauuhaw
Kailangan ko ikaw
Naliligaw, nauuhaw
Kailangan ko ikaw

Leave a Reply

Your email address will not be published.