Paraluman

Sa unang tingin agad na nahumaling
Sa nagniningning mong mga mata
Ika’y isang bituwin na nagmula sa langit

‘Di ko mawari
Ang taglay mong tinatangi
Sadya namang, nakakabighani
Di maipaliwanag ang nararamdaman

Namumukadkad
Ang aking ligaya
Sa tuwing ika’y papalapit na
Hawakan mo ang aking kamay

O Paraluman
Ika’y akin nang
Dadalhin sa
Di mo inaasahang Paraiso

Hoo-Hoo

Palagi kitang
Aawitan ng kundiman
Di magsasawa
Di ka pababayaan
Isasayaw kita
Hanggang sa Walang Hanggan

Mga gunita na laging naiisip
Sumisilip (Sumisilip)
Ang itinakda ng mahiwaga (Mahiwaga)

Liwanag na dulot mo
Nagbigay sinag sa madilim kong mundo
Ibang-iba ako
Kapag ikaw ang kapiling
Sumisiping ang buwan at mga bituwin
Na para bang sumasang-ayon sa atin
Ang kalawakan (kalawakan)

Namumukadkad
Ang aking ligaya
Sa tuwing ika’y papalapit na
Hawakan mo ang aking kamay

O Paraluman
Ika’y akin nang
Dadalhin sa
Di mo inaasahang Paraiso

Hoo-Hoo

Palagi kitang
Aawitan ng kundiman
Di magsasawa
Di ka pababayaan
Isasayaw kita
Hanggang sa Walang Hanggan

O papaparapapa, (Hoohoo,hoohoo)
Parapapaparaparaluman(x4)

Himig ng tadhana
Sa atin ay tumutugma na (Tumutugma na)
Himig ng tadhana
Saatin ay tumutugma na(Tumutugma na)
Himig ng tadhana
sa atin ay tumutugma na

O Paraluman
Ika’y akin nang
Dadalhin sa
Di mo inaasahang Paraiso

Hoo-Hoo

Palagi kitang
Aawitan ng kundiman
Di magsasawa
Di ka pababayaan
Isasayaw kita
Mamahalin kita
Hanggang sa walang hanggan