Categories
Juan Caoile Kraytuss

Maldita

Maldita lyrics by Juan Caoile, Kraytuss

Gustong gusto kitang makita
Dalagang pilipina na ubod ng maldita
Ibang iba sa nakikita
Sa taglay mong ganda nung unang kita ko ay nahalina
Oh maldita, please halika!
Gusto ko lang naman ikaw ay makasama!
Maldita! Dali na!
Gusto ko din naman ikaw ay makilala

Ang yong ganda ay di mapapantayan
Kaso mukhang di ako pasado sa pamantayan mo
Baka ako lang ay mapagtaasan ng yong kilay
Ngunit ganon pa man ako’y interesado
Sayong pagkatao na di ko man mabago
Mahalaga mapadama ko sayong bagay tayo
Kaso di ko lang maamin ako’y aminado
Natatakot lang baka sakin ika’y lumayo

Di lang ako makabwelo pero hindi pa ito dulo ng kwento
Pano kasi pag kaharap mo na ako naninigas na para bang simento
Para kang yelo matigas ka lang tingnan
Pero ito’y aking pupustahan matutunaw ka agad
Kapag init ng labi ko ay iyong nadikitan
Pero bago pa mangyari yan ako’y kakawala muna sa piitan
Ayoko ng tingnan ka malayuan maglakas loob kahit na isa lang
Ako’y handa ng masungitan masulyapan ko lang ang ngiti ng
Mata mong kay tagal ko ng pinagmamasdan
Yan ay bituin sa kalangitan, yeah

Gustong gusto kitang makita
Dalagang pilipina na ubod ng maldita
Ibang iba sa nakikita
Sa taglay mong ganda nung unang kita ko ay nahalina
Oh maldita, please halika!
Gusto ko lang naman ikaw ay makasama!
Maldita! Dali na!
Gusto ko din naman ikaw ay makilala

At madalas kitang tinititigan sa malayuan
Hindi sa malapitan baka masungitan
Sa tuwing dadaan ka saking harapan pinapawisan
Ng malapot kahit klima natin may kalamigan
Oh kay sarap mong pagmasdan lalo kung malapitan
Sa taglay mong ganda mukhang anghel ka ng kalangitan
Gusto ko na magsabi ng aking nararamdaman
Kaso inuunahan ng kaba kaya naiilang
Kaya kailangan ko na siguro sa takot na makawala
Pag naniwala pa ‘ko sa himala baka balutin ako ng kaba at hiya
Lalakasan ang aking loob handa ng sungitan o mapahiya
Kase kung hindi pa rin ako kikilos baka mas lalo lang walang mapala
Eyyy! Alam mo ba kung gano ka sakin kahalaga
Ika’y gasolina ako’y sasakyan kapag wala ka ay balewala
Pag nakikita kita higit pa sa sobra ang aking saya
Halika maldita sumama ka para mas lalo kitang makilala kaya

Gustong gusto kitang makita
Dalagang pilipina na ubod ng maldita
Ibang iba sa nakikita
Sa taglay mong ganda nung unang kita ko ay nahalina
Oh maldita, please halika!
Gusto ko lang naman ikaw ay makasama!
Maldita! Dali na!
Gusto ko din naman ikaw ay makilala

Kaya hayaan mong gawin kong mammon
Ang puso mong sintigas ng bato

Gustong gusto kitang makita
Dalagang pilipina na ubod ng maldita
Ibang iba sa nakikita
Sa taglay mong ganda nung unang kita ko ay nahalina
Oh maldita, please halika!
Gusto ko lang naman ikaw ay makasama!
Maldita! Dali na!
Gusto ko din naman ikaw ay makilala

Gustong gusto kitang makita
Dalagang pilipina na ubod ng maldita
Ibang iba sa nakikita
Sa taglay mong ganda nung unang kita ko ay nahalina
Oh maldita, please halika!
Gusto ko lang naman ikaw ay makasama!
Maldita! Dali na!
Gusto ko din naman ikaw ay makilala

Gustong gusto kitang makita
Dalagang pilipina na ubod ng maldita
Ibang iba sa nakikita
Sa taglay mong ganda nung unang kita ko ay nahalina
Gustong gusto kitang makita (Oh maldita, please halika)
Gusto ko lang naman ikaw ay makasama! (Dalagang pilipina na ubod ng maldita)
Ibang iba sa nakikita (Maldita, dali na!)
Gusto ko din naman ikaw ay makilala (Sa taglay mong ganda nung unang kita ko ay nahalina)

Kung pwede lang sana kitang angkinin
Lahat ng ayaw mo hindi ko susubukang gawin
Araw-araw minu-minuto kang pasasayahin
Pangako na sa isip ko ay ‘di ka tatanggalin
Maldita

Leave a Reply

Your email address will not be published.