Categories
Juan Caoile Kyleswish

Marikit

Marikit lyrics by Juan Caoile, Kyleswish

Ikaw ang binibini na ninanais ko
Binibining marikit na dalangin ko
Ikaw ang nagbigay ng kulay sa ‘king mundo
Sana ay panghabang-buhay na ito

Ikaw ang binibini na ninanais ko
Binibining marikit na dalangin ko
Ikaw ang nagbigay ng kulay sa ‘king mundo
Sana ay panghabang-buhay na ito

Oh binibini ko, ikaw ang nais ko
Na makapiling sa buong buhay ko
Laman ng panaginip, ikaw ang iniisip
‘Di ko alam kung bakit ako ay nabibighani

Sa tuwing ikaw ay napapadaan
Mga mata ko ay kumikislap agad
Korteng bote na katawan mo
At mga ngiti mong matamis, ito ba ay sakto na?

Sana’y mapansin at ako’y dinggin
Mga damdamin ko’y nais maparating
Ako’y nadali ng mga ngiti mo
At mala-anghel na mukha, sa ‘yo’y naakit na

Oh Maria Clara ko, sa ‘yo’y hibang na ‘to
Ikaw ang kahulugan ng salitang, “Buhay ko”
Ang tanging hiling, Diyos, iyong dinggin
Ang babaeng marikit ay mapasa’kin

Lahat hahamakin, makuha lang ang akin
Kahit buong kalawakan, aking kukuhain
Oh aking binibini, ikaw ang pinipili
Sa simula’t huli ng aking pag-ibig

Ikaw ang binibini na ninanais ko
Binibining marikit na dalangin ko
Ikaw ang nagbigay ng kulay sa ‘king mundo
Sana ay panghabang-buhay na ito

Ikaw ang binibini na ninanais ko
Binibining marikit na dalangin ko
Ikaw ang nagbigay ng kulay sa ‘king mundo
Sana ay panghabang-buhay na ito

Ang iyong mukha ay kabisado na
Hindi mabubura ‘pagka’t ito’y kakaiba
Oo, marami pa naman d’yang iba
Ngunit ikaw lang talaga ang nag-iisa

‘Di ka man ginto pero ikaw ay mamahalin
Pagbigyan mo lang ako na ikaw ay mapasa’kin
Para bang nahulog ako sa mataas na bangin
‘Di ko namalayan dahil sa iyong mga tingin

Hubog ng ‘yong katawan ay nakakatulala
Kislap ng iyong mata’y tanawing napakaganda
‘Di matatawaran kahit pa magdamagan
Ko pa ‘tong titigan, ‘di ko ‘to pagsasawaan

Binubuhat mo ang aking pakiramdam
Ang bigat nito, ikaw ang nagpagaan
Tayo ay nag-away at nagkayamutan
Ngunit walang umawat kaya’t ‘yun, nagkatuluyan

Oh aking binibini, ikaw ang pinipili
Sa simula’t huli ng aking pag-ibig
Oh aking binibini, ikaw ang pinipili
Sa simula’t huli ng aking pag-ibig

Ikaw ang binibini na ninanais ko
Binibining marikit na dalangin ko
Ikaw ang nagbigay ng kulay sa ‘king mundo
Sana ay panghabang-buhay na ito

Ikaw ang binibini na ninanais ko
Binibining marikit na dalangin ko
Ikaw ang nagbigay ng kulay sa ‘king mundo
Sana ay panghabang-buhay na ito

Aking binibini, ikaw ang pinipili
Sa simula’t huli ng aking pag-ibig

Ikaw ay nasa panaginip lang
Ang umasang makasama ka’y para na akong nahihibang
Ikaw ay nasa panaginip lang
Ang umasang makasama ka’y para na akong nahihibang

Leave a Reply

Your email address will not be published.