Categories
Arthur Nery

Nasa’king Damdamin

Nasa’king Damdamin lyrics by Arthur Nery

[Verse 1]
Parang kay bilis naman nating nawalan ng gana
Araw, dapit-hapon, mm, magdamag kang hinahanap sa pagbangon
Mas pipiliin ko pang punasan ang kasinungalingan mo sa’yong labi
Kesa sa ‘di tapat mo na luha

[Chorus]
Oh, tila tinatahak lamang natin ang tadhanang
‘Di naman ako ang ‘yong kahati, sana ‘di mo na pakawalan
Nangangalay ang aking bisig, kakaalay sa’king pag-ibig

[Post-Chorus]
Na-nasa’king damdamin
Ikaw lang

[Verse 2]
Oh, dito lang naman nakatutok
Bakit parang lahat ay gumuho?
Habang ako’y kumakapit
Nangangawit na rin sa’yong alaala
Na parang naiipit
Hanggang kailan muli ang huling sandali
Sa’n na ‘ko uuwi?

[Chorus]
Oh, tila tinatahak lamang natin ang tadhanang
‘Di naman ako ang ‘yong kahati, sana ‘di mo na pakawalan
Nangangalay ang aking bisig, kakaalay sa’king pag-ibig

[Bridge]
‘Di naman sa ‘di nanais na minamahal
Sadyang ‘di mawari, lumipas ang sa’tin
Saan ka hahanapin?

[Interlude]
Nasa’king damdamin lang lahat
Ba’t ‘di mo ‘ko dinggin? (Woah-oh)
Ang nasa’king damdamin (Woah-oh)
Nakakaabala ba ‘ko sa’yong mga panalangin? (Woah-oh, woah-oh)

[Outro]
‘Di naman sa ‘di na nais na dinadasal
Wala na ngang sa’tin, ‘di kinaya ng dalangin
Parang kay bilis naman nating nawalan ng tahanan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *