Categories
Bandang Lapis Syd Hartha

Pag-Asa

Pagod ka na ba sa araw-araw?
Na paulit-ulit
Liwanag tila ‘di na matanaw
Kung kailangan mo munang huminga
Walang mali kung isasantabi na muna
Bitawan nang malinawan
Kaya halika na’t kumapit ka
Sama-sama nating harapin

Tatawanan na lang natin
Ang problemang dumarating
Kalimutan na lang natin
Ang nakaraang kay sakit
Darating din ang umagang
Magbibigay sa’tin ng pag-asa
Sinusubok lang
Tayo ng panahon

Unti-unti tayong umahon
Sa mga pagsubok
Kahit mahirap o masakit
Basta tibayan mo lang ang loob
Babagayan natin ‘to, (Ohhh ohhh)

At muling magbabalik
Ang sigla sa’ting mundo
‘Wag ka lang mawawalan ng pag-asa, (Ohhh ohhh)

Tatawanan na lang natin
Ang problemang dumarating
Kalimutan na lang natin
Ang nakaraang kay sakit
Darating din ang umagang
Magbibigay sa’tin ng pag-asa
Sinusubok lang
Tayo ng panahon

Sumabay gumalaw
Tara dito sama ka
Kalimutan ang lahat
Ipikit mga mata
Iwanan ang problema
Magpakasaya, sumigaw
Tumalon hanggang problema’y mawala
Mga mali mong nagawa
‘Wag ka matakot balikan
Lagi mong tatandaan
Na meron lahat dahilan
Ang tangi mong gawin
Dapat lagi sabayan
Ang mga pagsubok dapat
‘Wag mong takbuhan

Wala na dapat pa na problemahin
Bawat pagsubok ating kakayanin
Mga problema at mga pasanin
Lahat ‘yan mawawala
Matutupad mo ang hangarin

At muling magbabalik
Ang sigla sa’ting mundo
‘Wag ka lang mawawalan ng pag-asa, (Ohhh ohhh)

Tatawanan na lang natin
Ang problemang dumarating
Kalimutan na lang natin
Ang nakaraang kay sakit
Darating din ang umagang
Magbibigay sa’tin ng pag-asa
Sinusubok lang
Tayo ng panahon
(Sinusubok lang tayo
Sinusubok lang tayo)
Sinusubok lang tayo ng panahon

Sumabay gumalaw
Tara dito sama ka
Kalimutan ang lahat
Ipikit mga mata
Iwanan ang problema
Magpakasaya, sumigaw
Tumalon hanggang problema’y mawala
Mga mali mong nagawa
‘Wag ka matakot balikan
Lagi mong tatandaan
Na meron lahat dahilan
Ang tangi mong gawin
Dapat lagi sabayan
Ang mga pagsubok dapat
‘Wag mong takbuhan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *