Categories
Bandang Lapis

Pagbilang Ng Tatlo

Pagbilang Ng Tatlo lyrics by Bandang Lapis

Huling bigkas ng iyong mga sinabi
Ang sabi mo ayaw mo na at tama na
Wala akong magagawa kundi lumuha
At tanggapin ag lahat ng katotohanan na wala ka na

Isisigaw ko na lang sa langit
Iiyak ko na lang sa tanawin
At pagkabilang kong tatlo
Kakalimutan na kita

Kailangan ko nang tanggapin ang lahat
Na wala nang ikaw at ako na namamagitan
Isang alaala na lang ba ang nakaraan
Na dating kay saya ngayon ay kay lungkot na nag-iisa

Isisigaw ko na lang sa langit
Iiyak ko na lang sa tanawin
At pagkabilang kong tatlo, wooh-oh
Kakalimutan na kita

Pipilitin kong kayanin
Kahit sobrang sakit
Kung ito na ang huling yugto
Oras na rin para ba ihinto
Kakalimutan na kita
Salamat nga pala sa lahat ng ‘yong ginawa

Leave a Reply

Your email address will not be published.