Categories
Omar Baliw

Takas

Takas lyrics by Omar Baliw

kada gising ay biyaya pero parang mabigat
parang may mali kaya tinamad mag inat
ayaw lumabas, masakit agad katawan
kung pwede lang sana ngayong araw ay laktawan
‘di ko alam kung anong nangyari
sa buhay ko ako ba yung may ari?
pinilit na itama pero laging salungat
kabaligtaran yung bunga, galing sa ibang ugat

hinanap ko dun ang sarili pero ‘di natagpuan
hinabol ko na din yun tulog pero tinatakbuhan
‘di ko na din talaga alam o manhid kaya walang pakialam
‘di ko na din talaga alam o manhid kaya walang pakialam

daming bagahe, bigat ng dala
kahit may mapa biglang nawala
tila ligaw, ‘di alam ang daan
ano ang silbi ko o kung para saan?

daming bagahe, bigat ng dala
kahit may mapa biglang nawala
tila ligaw, ‘di alam ang daan
ano ang silbi ko o kung para saan?

kanina pa nakapikit pero yung utak ayaw magpatulog
mag-isa na nalulunod, ‘di marinig yung sigaw, pahinging tulong
sa higaan magpagulong, desisyon urong sulong
sobrang hirap pag walang mapagsabihan,
katulad mo kailangan ko din ng tulong

iba pa rin sa pakiramdam, ‘di mapakali
‘di mo kilala kakampi, hindi madali
hirap na magtiwala kahit pa nasa tabi
‘yung dilim at lamig, palaging nasa gabi
tila naubusan, nawalan ng kulay
‘di na din alam kung sinong natirang tunay
tinatawag na din yata dun sa may hukay
matigas lang talaga ulo pati yung sungay

hinanap ko dun ang sarili pero ‘di natagpuan
hinabol ko na din yun tulog pero tinatakbuhan
‘di ko na din talaga alam o manhid kaya walang pakialam
‘di ko na din talaga alam o manhid kaya walang pakialam

daming bagahe, bigat ng dala
kahit may mapa biglang nawala
tila ligaw, ‘di alam ang daan
ano ang silbi ko o kung para saan?

daming bagahe, bigat ng dala
kahit may mapa biglang nawala
tila ligaw, ‘di alam ang daan
ano ang silbi ko o kung para saan?

kanina pa nakapikit pero yung utak ayaw magpatulog
mag-isa na nalulunod, ‘di marinig yung sigaw, pahinging tulong
sa higaan magpagulong, desisyon urong sulong
sobrang hirap pag walang mapagsabihan,
katulad mo kailangan ko din ng tulong

kanina pa nakapikit pero yung utak ayaw magpatulog
mag-isa na nalulunod, ‘di marinig yung sigaw, pahinging tulong
sa higaan magpagulong, desisyon urong sulong
sobrang hirap pag walang mapagsabihan,
katulad mo kailangan ko din ng tulong

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *