Categories
Gloc-9

TINDERO

TINDERO lyrics by Gloc-9

Basta merong bibili
Lagi akong may paninda na nakatabi

Dapat una sa pila hindi ako pahuhuli
Walang nang pero pero at walang kasi kasi

Ang dahilan ay para lamang sa mga bingi

Alam mo na ang
Mga baraha
Na ibinigay sa’yo
Ng tadhana

Bawal ngumawa
Bawal din ang tumunganga
Kahit mahina na ang apoy
Ingatan mo ang baga

Kaya sige
Humalige
Pwestuhan
Ng maigi
Para hindi ka pag pyestahan

Mamimili
Ka ng mga tatambayan
Huwag ka agad magtitiwala
Taga san ba ‘yan

Kaya tandaan
Mo lahat
Mistulan na
Mga pamagat

Kahit makinang
Ang pabalat
Iwasan na basta ka na lamang kumakagat

Baka nilason ang baso ng atraso
‘Yan ang kaso pero wala namang bago

Matatalo ang kabado
Na sundalo
Gera sa ibabaw ng entablado

Kahit buo man o barya ako’y may panukli
Talian ng goma kasi mahirap itupi

Malutong makapal di madali
Sa panahon ngayon wala ‘kong oras mag atubili

Mag usap tayo pag dala mo na yung sa’kin
Bawal dito ang sagot na ‘di mo akalain

Napaka tagal na panahon na mahiyain
Di na siguro masama na samin mo ihain

Bunga ng puno
Diniligan
Binungkal mo na lupa napakatigang

Sino ang pasimuno hindi ako ‘yan
Taga-gapas lang ng talahib upang mabalikan

Ng maayos walang galos
Tumingin
Sa malayo makisalo sa piging

May respeto kung sino man ang The King
Nawala narito umalis dumating

Leave a Reply

Your email address will not be published.