Categories
Janine Teñoso

Umibig Muli

Umibig Muli lyrics by Janine Teñoso

Nangangamba
Yakap ang bawat sandali
Wala ka na saking tabi
‘Di ko maiwasang manlamig
Nagtataka
Kay bilis lumipas ng dati
Noon, may ganang umibig
Ngayon, di ka na sa ‘kin nakatingin

Inisiip na lang
Na lahat ng sakit ay may dahilan

Ohh ooh ooh
Minamasdan kita habang
Hagkan-hagkan mo siya
Ooh ooh ooh
Ako ay mag-isa
At masaya ka sa iba
Ngunit kahit ‘di lahat ng lumaban ay nagwagi
Hindi rin lahat ng talunan ay nalugi
At Kahit ngayon ang puso ko ay nasawi
Balang araw ako ay matututo ring
Umibig muli

Bakit kaya
Lahat ng ito’y nangyayari
Di mapigilang humikbi
Gaano katagal magtiis? (Sagot sa bakit, kubli)
Tumingala
Kahit gulong gulo ang isip
Di maiwasang pumikit
At isuko ang sakit sa langit

Iniisip na lang
Na Lahat ng bakit ay may kasagutan

Ohh ooh ooh
Minamasdan kita habang
Hagkan-hagkan mo siya
Ooh ooh ooh
Ako ay mag-isa
At masaya ka sa iba /
Ngunit kahit ‘di lahat ng lumaban ay nagwagi
Hindi rin lahat ng talunan ay nalugi
At Kahit ngayon ang puso ko ay nasawi
Balang araw ako ay matututo ring
Umibig muli

Ngingiti na lang
Lahat ng sakit ay may dahilan

Leave a Reply

Your email address will not be published.