Categories
Ianna

Wala Kang Kapalit

Wala Kang Kapalit lyrics by Ianna

Bakit di ko magawang limutin ka
Anino mo’y dala kahit sa’n magpunta
Tinig mo’y naririnig, kahit pilitin pa
Limutin ang lahat, nang magkapiling pa

Minsan ay tinatanong, sarili kung bakit
Hinayaan kang mawala kahit di ko nais
Alam ko namang ikaw lang ang syang iniibig
Sa puso’t damdamin, ang tanong ko ay bakit?

Kung Maitutuwid ko lang
Ay di ka na bibigyan pa ng layang mag-isip
Upang ika’y patuloy na mahalin bawat saglit
Kahit lumisan ka , sa’king puso’y ….. wala kang kapalit

Ngayong ako’y nagiisa , laman ka ng isip
Nahihirapan man itong aking dibdib
Na dina maibabalik ano man ang aking gawin
Ang pag-ibig na inilaan , mo lamang sa akin….

Kung maitutuwid ko lang
Ay di ka na bibigyan pa ng layang mag-isip
Upang ika’y patuloy na mahalin bawat saglit
Kahit lumisan ka, sa’king puso …. wala kang kapalit

Kung maitutuwid ko lang
Ay di ka na bibigyan pa ng layang mag-isip
Upang ika’y patuloy na mahalin bawat saglit
Kahit lumisan ka… sa’king puso …. wala kang kapalit
Kahit wala ka na, sa‘king piling…wala kang ..kapalitttt…
Uhmmmmm…Wala Kang Kapalit….

Leave a Reply

Your email address will not be published.